IPINAG-UTOS ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto matapos mag-viral ang video ng kanyang asawa na nangangampanya para sa isang kandidato sa isang Filipino community sa Riyadh.
Iginiit ng DFA na ipinagbabawal ang pangangampanya ng mga opisyal sa isang kandidato.
“The DFA regularly reminds personnel here and at Foreign Service Posts on the prohibition against engagement, whether directly or indirectly, in any electioneering or partisan political activity. It does not condone acts that go against the Omnibus Election Code, the Overseas Voting Act of 2013 and the COMELEC-CSC Joint Circular No. 001, series of 2016,” sabi ng DFA sa isang pahayag.
Idinagdag ng DFA na iniimbestigahan na si Alonto at pinauwi na sa Pilipinas.