Pari tambay sa gay bar, nagbitiw


NAG-RESIGN sa kanyang posisyon bilang general secretary ng US Catholic Church ang isang pari na nadiskubreng tumatambay sa gay bar at sa gay dating app na Grindr.


Inanunsyo ng US Conference of Catholic Bishops ang pagbibitiw sa puwesto ni Monsignor Jeffrey Burrill.


“In order to avoid becoming a distraction to the operations and ongoing work of the conference, Monsignor Burrill has resigned, effective immediately,” ayon sa organisasyon.


Isa ang vow of celibacy sa mga panata ng mga pari habang ipinagbabawal din ng Simbahan ang pakikipagtalik sa mga hindi kasal.


Nangako naman ang US Conference of Catholic Bishops na iimbestigahan ang iba pang umano’y paglabag ni Burrill sa regulasyon ng Simbahan.


Napag-alaman na matapos mabuking ang ginagawang pagtambay ng Monsignor sa gay bar, nadiskubre rin na aktibo ito sa gay hook-up app na Grindr mula 2018 hanggang 2020.