HIMAS-REHAS ang isang anesthesiologist sa Brazil makaraan nitong gahasain ang walang-malay na buntis na sumasailalim sa caesarian section sa ospital sa Rio de Janeiro nitong July 13.
Nag-viral ang video kung saan makikita ang doktor na si Giovanni Quintella Bezerra na hawak ang ulo ng biktima.
Tinakpan ni Bezerra ng kumot ang kanyang harapan, binuksan ang zipper ng pantalon at ipinasok ang ari sa bibig ng biktima habang abala ang iba pang doktor sa pag-oopera sa buntis.
Matapos gawin ang kababuyan ay kumuha ng tissue ang doktor at pinunasan ang bibig ng biktima.
Bago ito, naglagay ng hidden camera ang mga tauhan ng ospital na nagsususpetsa na kay Bezerra dahil sa taas ng dosage na itinuturok nito sa mga pasyente.
Ayon sa Brazilian Society of Anesthesiology (SBA), inilagay ni Bezerra sa kapahamakan ang ina at ang sanggol nang damihan nito ang itinurok na pampatulog sa buntis.
“Deeper sedation without airway protection exposes the mother to the risk of bronchoaspiration of stomach contents. Therefore, sedation in obstetrics, when used, is synonymous with minimal application,” ayon sa SBA.
Tinanggal na ng SBA ang lisensya ng suspek habang inaalam ng pulisya kung mayroon pa itong iba na nabiktima.
Sinampahan na ng kasong rape ang doktor.