WAGI si Miss Nicaragua, Sheynnis Palacios, bilang Miss Universe 2023 sa timpalak na ginanap sa San Salvador, El Salvador, Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas).
Tinalbugan ni Palacios, 23, ang dating Miss World Nicaragua, ang 82 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo matapos magpakitang-gilas sa pagrampa at sa pagsagot sa question and answer portion ng pageant.
Sa final question na “If you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?” ang kanyang winning answer: “I would choose Mary Wollstonecraft because she opened the gap and gave an opportunity to many women. And what I would do, I would want that income gap to open up so that women could work in an area that they choose to work in because there are no limitations for women. That was in 1750. Now, in 2023, we are making history.”
First runner up naman si MissThailand Anntonia Porsild at second runner up si Miss Australia Moraya Wilson.
Sa preliminaries pa lang, ay humakot na rin ng suporta ang pambato ng Nicaragua, lalo na sa kanyang national costume na Grackle bird.
Ito ang unang beses na nanalo ang Nicaragua sa kasaysayan ng Miss Universe.
Samantala, hindi naman nakapasok sa top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee.