Mayweather, YouTube star Logan Paul magsasagupa

INANUNSYO ni dating world welterweight champion Floyd Mayweather na maghaharap sila ng YouTuber na si Logan Paul sa isang exbition bout sa Hunyo 6.


“Logan Paul and I are going to fight at Hard Rock Stadium. Mayweather Promotions, Fanmio and Showtime will team up to give you an epic event,” ani Mayweather sa Instagram.


Ang laban, na may titulong “Bragging Rights”, ay inilarawan ni Mayweather na isang “historic crossover event”. Gaganapin ang salpukan sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida.


Matatandaang nanalo si Mayweather, 44, sa banggaan nila ni mixed martial arts star Conor McGregor sa Las Vegas noong 2017 habang su Paul, 26, ay nakasagupa ang isang pang YouTuber na si KSI noong 2018