Mahigit 230 patay sa train crash sa India

MAHIGIT sa 230 katao ang nasawi habang 650 pa ang nasugtana matapos tatlong tren ang mag-crash sa Odisha state sa India Biyernes ng gabi.

Ayon sa mga ulat, isang passenger train ang nahulog mula sa track at saka tumagilid sa kabilang track, kayat nasalpok ito ng paparating na tren.

Inaasahang aakyat pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa umanong naipit na mga tao sa nag-crash na mga tren.

Isa pang tren, Howrah Superfast Express, ang sumalpok pa sa nakabalandrang tren.