SINABI ng Migrant Workers Affairs na aabot sa 115 Pinoy ang nagpasabi na nais nang makauwi sa Pilipinas sa harap nang lumalalang sitwasyon sa naturang bansa.
Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni Migrant Workers Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na target ng pamahalaan na mapauwi ang mga apektadong Pilipino bago matapos ang Hulyo.
“Sa 700 Filipino na ninirahan doon, may lagpas 100, 115 more or less, ang nagparinig na gustong makauwi ng Pilipinas, mahirap ang buhay, kaya gumagawa kami ng paraan ngayon,” sabi ni De Vega.
Nauna nang itinaas ang Alert Level 2 sa Sri Lanka sa harap ng patuloy na mga protesta sa naturang bansa.