NIYANIG ng napakalakas na lindol ang northern Japan Miyerkoles ng gabi na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng 69 iba pa.
Dahil sa magnitude 7.3 na lindol na tumama sa northeast coast off ng Fukushima, agad ding nag-isyu ng tsunami alert.
Naramdaman ang pagyanig sa Tokyo, may 275 kilometro ang layo sa epicenter, dahilan para mawalan ng kuryente sa libong mga tahanan dito. Naibalik din ang kuryente Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa ulat nilindol ang Fukushima prefecture bago maghatinggabi. Ang lindol na may lalim na 60 kilometro ay nagdulot ng pagbabalik-alaala sa masamang dinanas ng Japan noong Marso 2011 dahil din sa napakalakas na lindol at tsunami na tumama rito.