HALOS na sa 4,000 na ang nasawi sa malakas na lindol na yumanig sa Turkey at Syria nitong Lunes ng umaga.
Ang lindol na naitala sa magnitude 7.8 pasado alas-4 ng madaling araw, ay sinasabi sa isa pinakamalakas na yumanig sa rehiyon nitong nakalipas na 100 taon.
Naitala ang pagyanig 23 kilometers (14.2 miles) silangang bahagi ng Nurdagi, sa probinsiya ng Gaziantep sa Turkey, at may lalim na 24.1 kilometers (14.9 miles), ayon sa US Geological Survey.
Sunod-sunod din na aftershocks ang naitala at isa sa pinakamalakas ay 7.6 magnitude na naganap pasado ala-1 ng hapon ng Lunes.
Bumuhos na rin ang simpatya at tulong para sa Turkey at Syria mula sa iba’t ibang bansa at organisasyon.