Donnalyn Bartolome sablay na naman: ‘Maganda talaga pag binuntis’

BASH here and there na naman ang inabot sa social media ng vlogger na si Donnalyn Barotolome dahil sa kontrobersyal na pahayag.

Umani ng sangkaterbang batikos si Donnalyn nang mag-post ito ng comment sa isa niyang follower na “binuntis”.

“Maganda talaga pag binuntis. Kidding aside, maganda pa din kayo mommies. Hindi magbabago yun. I know nakakainsecure because of body changes tapos nakakakita kayo ng magagandang dalaga and hindi niyo naiiwasan magcompare.. want you to know being a mother is beautiful still. Nagagandahan kami sa inyo tulad nang nagagandahan kayo sa amin. I hope I made you mommies laugh,” post ni Donnalyn bilang sagot sa nag-comment na isang ina na naiinsecure umano sa ganda ng vlogger.

“Grabe sobrang ganda nyo po. Nakakainsecure po talaga, lalo pag tumitingin na ko sa salamin after birth,” ayon sa netizen.

Sinagot naman ito ni Donnalyn: “Mommy isipin mo nalang binuntis ka.. sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.. parang talo moko sa ganda.”

Bagamat marami ring natuwa sa sagot ni Donnalyn, maraming nayamot sa sagot nito na walang pagpapahalaga sa kapwa niya babae.

Magugunitang nitong Enero lang ay halos isumpa si Donnalyn ng netizen dahil sa post nito na dapat ay maging thankful ang lahat na merong trabaho.

Bagamat binura ni Donnalyn ang kanyang post, may ilan namang nakapag-screenshot nito.

At samu’t saring batikos na ang kanyang dinanas.

“Sa pagkakasabi ni Donnalyn, parang utang pa ng babae sa lalaki na binubuntis siya kasi nalalaman niyang maganda siya.”

“Parang sinabing galing sa lalaki kung anuman ang maganda sa babae. Anti-feminist ito, at pro-machismo. Mga lalaki lang ang iniaangat ng statement, hindi babae.”

“Donnalyn could’ve simply wrote being a mother is one of the most beautiful things in the world, therefore, you are beautiful. pero hindeeeee she had to make dagdag to make it about her. as always 🤣 “

“Hirap siguro talunin ni donnalyn sa think positive competition.

“Beauty Tips ni Donnalyn:
1. Stay hydrated
2. Be happy
3. Magpabuntis”