ISINUGOD sa ospital ang lalaki na taga-Sao Paulo, Brazil makaraang maimpeksyon ang ilong na kanyang niretoke kamakailan.
Naagapan naman ng mga manggagamot ng Campo Limpo Emergency Care Unit ang pamamaga ng ilong ng lalaki.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng rhinoplasty sa sarili ang lalaki matapos manood ng video sa YouTube.
Aniya, gumamit siya ng super glue at anaesthesia para sa hayop sa nasabing procedure.
Makaraan ang ilang araw ay lumubo at nagnana ang ilong niya kaya nagpadala na siya sa ospital.
Kuwento ng lalaki, nais lamang niyang gumanda ang hugis ng ilong kaya ginawa niya ang procedure.
Pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga nais sumailalim sa rhinoplasty na sumangguni sa espesyalista dahil delikado ang nasabing operasyon.
“There is a risk of necrosis, a risk of infection for having done it without asepsis and for using non-sterile material, and a risk of very large nasal obstruction. The incisions made in a rhinoplasty need to be very precise, in well-defined places to avoid this risk,” ayon sa kanila.
“These procedures will only worsen the appearance because they are not effective, they will only bring risks. You cannot do this without knowing the nasal anatomy, which is very complex,” dagdag nila.