INATASAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga kaukulang ahensiya na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel sa harap ng nangyayaring kaguluhan sa naturang bansa.
Kasabay nito, kinondena ni Marcos ang nangyaring pag-atake ng mga militanteng Palestinian group na Hamas sa Israel at ang ginawang retaliatory moves ng huli laban naman sa Palestino.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na inatasan ni Marcos ang mga ahensiya na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tel Aviv at Migrant Workers Office (MWO) sa para ma-secure ang Pinoy sa nangyayaring kaguluhan.
“The President has instructed the Department of Migrant Workers (DMW) and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to locate and account for all overseas Filipino workers (OFWs) and their families in Israel,” sabi ng PCO.
Tinatayang aabot sa mahigit 30,000 OFWs ang nagtatrabaho sa Israel.
Umabot na sa 200 Israeli ang namatay sa pambobomba, samantalang napaulat na may mga hinostage na mga sibilyan at mga sundalo matapos ang hindi inaasahang pag-atake Linggo ng umaga.
Samantala ilang daan din ng ang napaslang na Palestino sa ginawang retaliatory attacks ng Israel.