NAUDLOT ang kasiyahan sa Japan matapos yumanig ang napakalakas na 7.6 magnitude na lindol sa malawak na bahagi ng Japan sea coast lalo pa’t isang matinding tsunami warning din ang inilabas.
Ang pag-uga ay naramdaman hanggang sa central Tokyo alas 4:10 ng hapon.
Naramdaman din ang pagyanig mula Aomori Prefecture sa hilaga-silangan ng Japan hanggang sa Kyushu southwestern region.
Naglabas ng tsunami warning para sa mga coastal areas sa Yamagata, Niigata, Toyama, Fukui, and Hyogo prefectures.
Naitala ang epicenter ng lindol sa Noto region.
Maraming kabahayan ang gumuho sa ilang bahagi ng Ishikawa, ayon sa mga ulat, habang mahigit sa 32,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente.