Filipino nurse namigay ng mask sa NYC, binugbog

GULPI inabot ng isang Pinay nurse sa New York City matapos mag-alok ng mask sa loob ng subway nitong mga nakalipas na araw.


Sugatan na isinugod sa ospital ang nurse at cultural artist na si Potri Ranka Manis nitong Agosto 10 matapos ang pangugulpi sa kanya.

Sa report ng Philippine Consulate in New York, naganap ang assault sa nurse dakong alas-6 ng gabi habang nasa subway.

Bukod sa pambubugbog, samu’t saring salita rin ang itinawag kay Manis.

Sa kanyang post sa Facebook, hinikayat ni Manis ang bagong upong mayor ng New York City na si Bill de Blasio na tugunan ang patuloy na hate crimes na ginagawa laban sa mga Asians, at ang lumalamyang laban sa coronavirus disease.

“Violence against Asians, violence because of COVID-19 precaution confusion, is another virus that attacks the New York City community now, particularly to Asians and Muslims like me,” ayon kay Manis.

“I just got beaten up, I just got assaulted because I’m trying to help this city of New York to prevent the spread of this new variant,” dagdag pa nito.