TINIYAK ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na naka-high alert 24 oras ang mga embahada ng Pilipinas para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa gitna ng tumtinding kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
“We are on high-alert 24/7 to ensure that Filipinos are safe in this conflict. Our Embassies in Poland and Hungary have been working hard these past days to account for each Filipino in Ukraine, and to repatriate them as soon as possible,” sabi ni Locsin sa isang tweet.
Nauna nang sinalubong ni Locsin ang 13 Pinoy sa hangganan ng Poland matapos naman siyang bumiyahe para personal na pangasiwaan ang repatriation ng mga Filipino mula sa Ukraine.