INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapatupad ng deployment ban para sa mga overseas Filipino workers (OFW) na unang beses pa lamang makakapagtrabaho sa Kuwait.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers, sinabi ni DMW Undersecretary Maria Anthonette Velasco-Allones na ipinag-utos ni DMW Secretary Toots Ople ang deployment ban bago tumulak patungong Japan.
Kasama si Ople sa delegasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na nagtungo ng Japan sa kanyang official visit sa nasabing bansa.
Ito’y sa harap naman nangyaring pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara.
Idinagdag ni Velasco-Allones na hindi naman apektado ang mga OFWs na dati nang may kontrata na sa Kuwait.