Caitlyn Jenner target maging first transgender governor ng California

TARGET ngayon ng Olympic champion nas Caitlyn Jenner, na isa ring miyembro ng Kardashian clan, ang maging kauna-unahang American transgender na gobernador ng California.

Ayon sa 71-anyos na si Jenner, nagsumite na siya ng kanyang mga dokumento para makilahok sa darating na halalan. “I’m in!” pahayag ng transgender na icon at dating decathlete, sa isang panayam.

Sisimulan anya niya ang kanyang kampanya bilang miyembro ng Republican sa mga susunod na linggo.

Bukod kay Hollywood legend Arnold Schwarzenegger, si Jenner ang pinakasikat na kandidato para sa pagka-gobbernador ng California na hindi isang tunay na politiko.

Matatandaan na naipanalo ni Schwarzenegger ang kanyang laban sa pagkagobernador bilang miyembro ng Republican sa kilalang Democratic state noon 2003 recall election.

Naging gobernador siya sa loob ng pitong taon. Duda naman ang mga analyst na maipapanalo ni Jenner ang kanyang laban.