Birthday party shooting: 6 patay, suspek nag-suicide

PATAY ang anim na katao matapos mamaril ang isang lalaki sa isang birthday party sa Colorado, USA, Linggo ng umaga.

Matapos makapatay ng anim, nagbaril din sa sarili ang suspek na sinasabing boyfriend ng isa sa mga biktima.

Ayon sa pulisya, naganap ang pamamaril Linggo ng madaling araw habang ilang pamilya ang nasa birthday party sa loob ng isa sa mga trailer.

Dumating anya ang suspek sa party at bigla na lamang nitong pinagbabaril ang mga tao na nasa loob ng trailer na bahay, at pagaktapos ay saka naman nagbaril sa sarili.

Wala namang nadamay na mga bata sa pag-atake.

Hanggang ngayon ay hindi pa pinapangalanan ang mga biktima at suspek.