Ginising ng malakas na pagbuhos ng ulan ang Easter Sunday ng mga Indonesian sa easternmost province ng bansa na nauwi sa flashflood at landslide.
Dahil dito 44 Indones ang nasawi habang siyam ang nasugatan sa pagbaha at pagguho ng lupa sa Flores island sa Indonesia.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi habang isinasagawa ang rescue operation sa mga taong tinangay ng pagbaha sa easternmost province ng Indonesia.
Umapaw ang mga dam sa apat na distrito dahilan para magkaroon ng flashflood at pagguho ng lupa at matabunan ang may 10,000 kabahayan.
Tumagal umano ng siyam na oras ang ulan.
Ang Flores Island ay Catholic-dominated na lugar sa Indonesia.