MAHIGIT sa 300 katao ang nasawi habang maraming iba pa ang nasugatan matapos yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang hilagang-kanlurang bahagi ng Haiti nitong Sabado, Agosto 14.
Maraming gusali kabilang na ang mga simbahan, hotel at kabahayan ang nasira ng lindol na sinundan pa nang magkakasunod na aftershocks. Naitala ang lindol 8 kilometro mula sa bayan ng Petit Trou de Nippes, o 150 kilometer west ng Port-au-Prince, na siyang capital ng bansa, na may lalim na 10 kilometro, ayon sa United States Geological Survey.
Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman ito hanggang sa Cuba at Jamaica. Sinasabing mas mababaw ang magnitude 7 na lindol na ito kumpara sa katulad na magnitude na nangyari sa Haiti may 11 taon na ang nakararaan.
Naitala ang lindol alas 8:30 ng umaga (local time).
Sa unang tala, umabot sa 304 ang nasawi habang 1,800 ang nasugatan. Marami rin ang nawawala pa.