7 miyembro ng kulto pumuga sa Davao

NAKATAKAS sa Davao Oriental provincial jail sa Mati City ang lider ng isang kulto at anim niyang tauhan sa tulong ng 25 umano’y miyembro ng grupo nitong Sabado.


Ayon sa ulat, sinalakay ng mga armadong miyembro ng Pinatikan Religious Cult ang kulungan para sagipin ang kanilang lider na si Cornelio Galon III.


Maliban kay Galon, nakatakas din ang mga nakadetineng miyembro ng kulto na sina Dominador Lintuan, Laudeco Lintuan, Sugaan Gil, Arjowe Lintuan, Ranjay Baluro, at Inabitan Ismadi.


Napatay naman sa komprontasyon ang isang di-nakilalang miyembro ng kulto.


Ayon sa mga jailguard, nasorpresa sila sa paglusob ng mga cult members.


Pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga pugante.