PUMALO na sa mahigit sa 2,000 ang bilang ng mga nasawi sa powerful earthquake na yumanig sa Morocco Biyernes ng gabi.
Patuloy ang isinasagawang rescue operation sa mga natabunan ng mga gumuhong mga gusali kabilang na ang mga kabahayan at maging mosque.
Sinasabi na ang magnitude 6.8 na lindol ang pinakamalakas na yumanig sa bansa sa nakalipas na anim na dekada.
Sa report ng Interior Ministry, sinabi nito na 2,012 ang naiulat na nasawi habang 2,059 naman ang nasugatan, kabilang ang 1,404 na nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa US Geological Survey tumama ang lindol 72 kilometro timogkanluran ng Marrakech.