SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa 248 na Pinoy ang apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.
Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega na 64 rito ang dinala ng embahada sa Antara kung saan sila pansamantalang nanunuluyan.
“Ngayon pinag-uusapan pa namin iyong possible repatriation; may mga humihingi pa ng tulong para makauwi ng Pilipinas dahil sa nangyari. Kailangan lang nating malaman; marami sa kanila may Türkey citizenship na o may asawang Turko. Kaya aayusin pa natin iyong citizenship issues bago gagastusan ng embahada,” dagdag ni De Vega.
Aniya, inilibing na ang isa sa dalawang Pinoy na nasawi sa lindol, samantalang inaayos naman na maiuwi ang labi ng isa pa sa Pilipinas.