Dangwa at Quiapo takbuhan ng masaya at bigo sa pag-ibig

NGAYONG linggo ng pag-ibig ay sentro na naman ng mga balita ang Lungsod ng Maynila.

Dito kasi ang kilalang bagsakan ng mga bulalak partikular na sa bahagi ng Sampaloc District na kung tawagin ay Dangwa.

Para sa mga nagnenegosyo ng bulaklak ay click na puntahan ang Dangwa dahil higit na mas mura dito ang mga paninda.

Sa lover naman na gustong makatipid ay dito rin ang kanilang takbuhan dahil sa dami ng choices ng mga bouquet.

Para naman sa mga walang ka-date at gustong maging masaya sa araw ng mga puso, ang takbuhan naman nila ay Quiapo.

Bukod sa pwedeng manalangin na sana naman ay makatagpo na ng bagong iibigin sikat rin ang gilid ng simbahan ng Quiapo dahil sa mga gayuma kuno.

Bagama’t hindi ako naniniwala at pabor sa ganitong gawain pero lately ay pinapatulan na rin ito ng mga gustong magka-jowa lalo na kung sasapit ang Pasko at Valentine’s day.

At kapag nagbunga naman ang pagmamahalan o bawal na pag-iibigan sa Quiapo rin ang takbuhan.

Anuman ang sitwasyon mo ngayong araw ng mga puso ang importante ay masaya ka at walang pinepesteng ibang tao.

Huwag mo rin kalimutan na bago ka magmahal ng ibang tao ay unahin mo munang tiyakin na healthy ang iyong puso.

Sa Pilipinas kasi ay numero uno pa ring sanhi ng kamatayan ay mga sakit na may kinalaman sa ating puso.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]