DALAWANG manggagawang Pinoy ang natagpuang patay sa Dubai, United Arab Emirates nitong Biyernes, iniulat ng mga otoridad ngayong araw.
Ayon kay Consul General Marford Angeles, tagapagsalita ng Philippine Embassy, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa mga pulis ng Dubai na nag-iimbestiga sa krimen.
Wala nang inilabas na detalye si Angeles ukol sa pangyayari.
“The Philippine Embassy in Abu Dhabi conveys its deep condolences to the family of two Overseas Filipinos found lifeless in Dubai last week and sends its assurance that we will ensure that justice would be served,” ani Angeles sa kalatas.
“The Philippine Consulate General in Dubai is in coordination with local law enforcement authorities, who are currently conducting an investigation on the matter. As of the moment, UAE authorities are unable to provide details regarding the ongoing investigation,” dagdag niya.
Naipabatid na sa mga kamag-anak ng mga biktima ang insidente, ayon sa opisyal.
“The Consulate and the OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Office in Dubai have gotten in touch with the family, reassuring them that the Philippine Government shall provide necessary assistance as they grieve the loss of their loved ones,” sabi ni Angeles.