KINONDENA ng Philippine Consulate General sa New York ang pinakahuling insidente ng hate crime matapos ang dalawang insidente ng pag-atake sa mga Pinoy.
Ayon sa konsulado sa New York, noong Linggo isang 73-anyos ang inatake ng isang palaboy habang papunta sa simbahan sa pagitan ng 8th Ave. at 40th St. sa Manhattan.
Nitong Lunes, isa namang 53-anyos ang binugbog hanggang sa mawalan ng malay matapos na holdapin ng isa pang palaboy sa isang sangay ng McDonaldssa 7th Ave. malapit sa 34th St.
“The Philippine Consulate General in New York condemns in the strongest terms in the latest attacks against members of the Filipino Community after two more kababayan have been added to the growing list of victims of the senseless violence that has left many Filipino in fear,” ayon sa konsulado.
Ito na ang ika-pitong kaso ng pag-atake sa mga miyembro ng Filipino community sa Estados Unidos.