TINATAYANG nasa 100 pang Filipino ang nananatili sa Afghanistan at naghihintay ng rescue ng gobyerno ng Pilipinas.
Gayunman, nangako ang Department of Foreign Affairs na minamadali na nito ang trabaho para maili⅞gtas ang mga Filipinong patuloy na naiipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.
Sa latest advisory ng DFA, may 90 Filipino pa ang nasa Afghanistan ngunit 79 lang ang nag-request ng repatriation.
Nanatiling nasa Alert Level 4 o mandatory repatriation ang inisyu ng DFA sa mga Filipino na nasa Afghanistan simula noong Linggo lalo pa’t napasok na ng Taliban ang Kabul, ang sentro ng bansa.
May 132 Filipino ang naninirahan sa Afghanistan bago pasukin ng Taliban forces at makontrol ang gobyerno.
“The DFA continues to work to repatriate remaining Filipinos in Afghanistan, exhausting all avenues to ensure their safety and eventual evacuation,” ayon sa DFA.