Para may isyu? JaMill binura YouTube channel

KINUMPIRMA ni Camille Trinidad ng JaMill na burado na ang YouTube channel ng kanyang boyfriend ba si Jayzam Manabat.

Chika ni Camille, walang isyu sa kanila ni Jayzam pero pinili nila na mag-sign off sa pagba-vlog para sa ikatatahimik ng kanilang relasyon.

“Yes, deleted na po ang channel. ‘Di naman natin mapi-please lahat ng tao na sabihing pa-issue lang ito or what. It’s about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin.”

Bagaman signing off na ang channel, aniya, “forever naman ang JaMill.” –A. Mae Rodriguez