10 patay sa school shooting sa Sweden

TINATAYANG 10 katao ang nasawi sa school shooting sa Sweden nitong Martes.

Mariin namang kinondena ni Swedish Prime Minister Ulf Kristersson ang insidente na anya ay “worst in the nation’s history.”

“Today, we have witnessed brutal, deadly violence against completely innocent people. This is the worst mass shooting Sweden has ever experienced,” ayon kay Kristersson sa isang press conference.

“It is difficult to comprehend the magnitude of what happened today. What simply cannot happen has happened.”

Ayon sa ulat 10 katao ang napatay sa pamamaril sa Campus Risbergska school sa Örebro, may 200 kilometro, kanluran ng Stockholm.

Sinasabi na isa sa mga nasawi ay ang suspek.

Naganap ang pamamaril alas-12:33 ng hapon (local time).

Dahil dito, inutos ang pag-lockdown sa iba pang eskwelahan na malapit sa pinangyarihan ng pamamaril.

Mariin namang kinondena ng iba’t ibang bansa ang insidente.