10 bata patay sa ‘bampira’

INARESTO ng pulisya sa Nairobi, Kenya ang isang lalaki na inilarawan bilang isang “bloodthirsty vampire” na responsable sa pagpatay sa 10 bata.


Dinakip si Masten Milimo Wanjala, 20, dahil sa pagpatay sa dalawang bata na natagpuan ang mga katawan sa isang gubat sa siyudad.


Sa presinto, inamin ni Wanjala na mayroon pa siyang walong iba pang napatay.


Siya ang itinuturong nasa likod ng serye ng pagdukot sa mga bata.


“Wanjala single-handedly massacred his victims in the most callous manner, sometimes through sucking blood from their veins before executing them,” ayon sa pulisya ng Nairobi.


Idinagdag ng pulisya na binibigyan ni Wanjala ng droga ang kanyang mga biktima bago nito iniinom ang kanilang dugo bago sakalin hanggang mamatay.


Unang biktima ni Wanjala ang 12-anyos na dalagita noong 2016.


“In a nerve-wracking blow-by-blow account, the murderer recounted harrowing details of how he lured victims to his killer jaws before squeezing (the) dear life out of the innocent children,” dagdag ng pulisya.


“Unbeknownst to some of the worried families, their children were long executed by the beast and their remains dumped in thickets. Others were submerged in sewer lines in the city and left to rot away,” dagdag nila.


Nang tanungin kung bakit niya ginagawa ang pagpatay, sinabi ni Wanjala na nasisiyahan siya kapag nakakainom ng dugo.