1 Patay, Marami Pa Sugatan sa Texas Mass Shooting

Isa ang nasawi habang marami pa ang nasugatan matapos mamaril ang isang lalaki sa loob ng isang business establishment sa Texas Huwebes.

Naganap ang walang habas na pamamaril ilang oras matapos magsalita si US President Joe Biden at sabihin na isang epidemya rin ang “gun violence”, at nangakong gagawan ito ng solusyon.

Naganap ang pamamaril alas 2:30 ng hapon (US time) sa Kent Moore Cabinets, sa Bryan, Texas, ayon sa pulisya. Dead on the spot ang isa habang 11 ang sugatan, apat dito ang nasa kritikal na kondisyon.

Arestado naman ang suspek na sinasabing empleyado ng cabinetry manufacturer. Ang napatay ay isang pulis.

Naganap ang shooting matapos ang ilang gun attacks sa Colorado, Georgia at California nitong mga nakaraang linggo.