ITINANGGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may nawawalang pondo ng Social Amelioration Program (SAP) taliwas sa akusasyon ni Sen. Manny Pacquiao na aabot sa P10.4 bilyong na nakalaan dito ay napunta sa korupsyon.
Sa isang panayam, tiniyak ni DSWD spokesperson Dir. Irene Dumlao na nakahanda ang ahensya na humarap sa imbestigasyon kaugnay sa paggamit ng SAP.
“Nais po nating bigyang-diin na wala pong nawawalang pondo hinggil dito sa SAP implementastion. All our financial transactions are accounted for. We were able to comply with the generally-accepted accounting principles,” sabi ni Dumlao.
Samantala, idinagdag ng opisyal na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nagrekomenda ng mga financial service providers matapos namang kuwestiyunin ni Pacquiao ang paggamit sa hindi kilalang e-wallet Starpay para sa programa.
“We engaged the services of financial providers through the technical assistance of the BSP,” aniya. –WC