IBINASURA ng Ombudsman ang graft complaints na isinampa sa dating Tourism secretary Wanda Tulfo-Teo, kapatid nitong si Ben Tulfo, at iba pang indibidwal na may kinalaman sa kontrobersyal na P60 milyon TV ad deal.
Ayon sa October 6 resolution ng Ombudsman, kulang umano sa probable cause para ituloy ang pagkakaso ng magkapatid na Tulfo at iba pang indibidwal hinggil sa nasabing kontrobersya.
Hindi umano makita ang “conspiracy” sa pagitan ng magkapatid dahil walang alam si Teo sa naging kontrata ang PTV 4 sa Bitag Media ng kanyang kapatid na si Ben.
Hindi anya alam ni Teo na ang Kilos Pronto ay konektado sa Bitag Media.
Si Teo ang kalihim ng DOT nang pirmahan ang TV ad contract nito sa Bitag Media na nagkakahalaga ng P60 milyon.
“There is no conspiracy. In the eyes of the law, conspiracy exists when two or more persons come to an agreement concerning the commission of the crime and decide to commit it,” ayon sa ruling na isinulat ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Rosano Oliva.
“In the instant case, nowhere was it directly shown that Sec. Teo was aware that Kilos Pronto is owned by Bienvenido Tulfo, her sibling. There is also nothing on record showing that then Sec. Teo had performed an overt act in pursuance or in furtherance of the supposed complicity,” dagdag pa nito.