BIBIGYAN ni Sen. Raffy Tulfo ng P500,000 cash ang mga pamilya ng tatlong tao na namatay sa insidente ng pamamaril noong isang linggo sa Taguig City.
Sumuko ang suspek na si Julian “Jimboy” Paningbatan Jr., isang dating opisyal ng Philippine Navy, sa public affairs program na “Wanted sa Radyo” ni Tulfo nitong Huwebes.
Nasawi sa insidente sina Marie Angelica Belina, 25; Mark Ian Desquitado, 35, at Tashane Joshua Branzuela, 22.
Sinabi ni Tulfo na magbibigay siya ng P500,000 para sa libing ng mga biktima at iba pang gastusin.
Nangako rin siya na tututukan ang kaso.
“Makakaasa po kayo na…siguradong gugulong ang hustisya at magiging maayos ang takbo ng kaso sa korte. I assure you that justice will be served,” ayon sa senador.
Maliban sa mga kasong may kaugnayan sa pagpatay, inaresto ng mga pulis ang suspek dahil sa carnaping at robbery with violence cases.