#PulisAngTerorista trending…Pulisya professional –Malacañang

IPINAGTANGGOL ng Malacañang ang kapulisan, na inilarawan nito bilang mga propesyunal, sa gitna na galit ng publiko sa pagpatay ng isang pulis sa kanyang babaeng kapitbahay sa Quezon City Lunes ng gabi.


Nakunan pa sa video ang ginawang pagpatay ni MSgt. Hensie Zinampan kay Lilybeth Valdez, 52, ng Brgy. Greater Fairview.


Nag-trending namang agad ang #PulisAngTerorista sa Twitter dahil sa pangyayari.


“Definitely, that is not the rule. That is the exception to the rule. Wala po tayong magagawa, sa kahit anong organisasyon may paisa-isang bugok,” ani presidential spokesman Harry Roque.


“Our policemen are by and large professional,” giit niya.


“We have hundreds of thousands in the ranks of our policemen, and we hear of 1 or 2 cases of this nature. Hindi po totoo na malawakang, maraming bugok sa kapulisan,” aniya pa.


Dagdag pa ng opisyal: “Propesyunal po sila dahil sa Day 1 ng kanilang training, ipinasok na po sa kanilang isip na bilang mga tagapagpatupad ng batas, sila mismo ang dapat sumunod sa batas, so we have respect for the professionalism of our policemen.” –WC