FIVE-STAR rating ang nakuha ng Pilipinas sa remote learning readiness index na ginawa ng United Nations Children’s Fund (Unicef) sa iba’t ibang bansa sa gitna ng pananalasa ng pandemya.
Sinukat ng Unicef ang kahandaan ng isang bansa sa pagtugon nito sa pandemya na nakaapekto sa in-person learning ng mga mag-aaral.
Five star ang ibinibigay sa isang bansa kung natutugunan nito ng maayos ang suliranin na nakakaapekto sa edukasyon habang isang star naman kung kulang.
Isa ang Pilipinas sa apat na bansa na nakakuha ng 5 star rating. Ang apat na iba pa ay ang Argentina, Barbados at Jamaica.
Gayunman, may warning na ibinigay ang Unicef, sa pag-interpret sa nasabing index dahil sa kakulangan ng data disaggregation na posibleng mapagtakpan ang social issues at magpakita ng mas mababang outcome sa remote learning kumpara sa in-person learning.
Sa kaso ng Pilipinas, ayon sa Unicef kahit may kakayanan ang pamilya na tugunan ang pangangailangan sa ginagamit sa remote learning, nanatili anyang kulang ang natutunan ng mga mag-aaral sa distance learning modalities.
“Even if remote learning is in place and a household has necessary assets, children are learning less under distance learning modalities,” ayon sa Unicef.