IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG fund ang plano nito na taasan ang singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito sa 2022.
Ito ay base sa konsultasyon na ginawa ng state-run financial institution sa kanilang mga partners, gaya ng mga employers at higit sa lahat mga members nito.
“We we will again not implement the increase in monthly savings or monthly contributions,” ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti.
“This is out of respect to our partners, stakeholders, especially the employers in the private sector and we also heard the sentiments of our members. So no increase yet,” dagdag pa ni Moti.
Dahil dito, mananatili ang membership savings rate sa P100 kada buwan imbes na P250 gaya nang naunang panukala.