Habang walang guidelines, pulisya ipatutupad pagsusuot ng face shields

TULOY ang ginagawang paninita ng pulisya sa mga Pinoy na hindi nagsusuot ng face shield sa labas ng bahay.


Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar, na hindi naman huhulihin ang mga walang face shield pero ipaalala sa mga ito na wala pang guidelines sa hindi pagsusuot nito sa mga pampublikong lugar.


“The latest recommendation of the IATF to the President is to continue making mandatory the wearing of face shields in enclosed spaces, commercial areas, public transport, terminals and even places of worship,” ani Eleazar.


“With this, we will continue to enforce the existing policy until the President decides on the matter and the IATF amends the guidelines,” dagdag niya.


Nitong Huwebes ay inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque na sinabi ni Pangulong Duterte na sa mga ospital na lamang kailangang magsuot ng face shield.