China nanggigil sa Chinese coach ni Hidilyn

ISINIWALAT ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na nagalit ang Chinese team sa kanyang Chinese coach na si Gao Kaiwen dahil nabulaga umano ang mga ito ng kanyang lakas.


“Hindi makapaniwala ang China na ganito na ako kalakas. Siyempre si Coach hindi niya na-share sa China. Medyo nagalit kasi ang China din sa kanya kasi hindi niya na-share kung saan na ‘yung lakas ko,” ani Diaz sa isang panayam.


“Siyempre…bakit niya ise-share?’ Nandito siya para mag-work, to work for me para palakasin ako…Walang giyera, pero nai-representa ko ang Pilipinas, natalo ko ang China,” dagdag niya.


Kinuha si Gao bilang coach ni Hidilyn noong manalo ang huli sa 2018 Asian Games.


Ayon kay Diaz, hindi inasahan ng China na maipapanalo niya ang laban.


“For how many competition na nagawa ko, ang total ko is 214 kg lang, 215, 212. Hindi nila nakita ‘yung best ko. So, sabi nila, ‘Ay hindi, hindi yan mananalo, si Diaz, hindi ‘yan, imposible yan.’ So nung laro, nabigla sila na malakas ako,” aniya.