Pabor ka ba, ka-PUBLIKO?
WALANG nakikitang problema si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa plano ng administrasyong Duterte na armasan ang mga civilian groups na kontra-krimen.
“I see no problem as long as they are properly supervised,” ani dela Rosa na dating nagsilbi bilang Philippine National Police chief.
“It would be a big help to have additional manpower to maintain peace and order at no additional cost,” dagdag niya.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang armasan ang mga anti-crime civilian groups na tutulong sa pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bansa.
“If you have this coalition, you have a list of people who are there who can arm themselves. I will order the police if you are qualified, get a gun, and help us enforce the laws,” ani Duterte.
Pumabor naman si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa plano ni Duterte pero sinabi nito na dapat kumuha muna ng lisensya at permit ang mga volunteer upang hindi maabuso ang paggamit ng baril.
Itinanggi rin niya na magreresulta sa mga vigilante ang pagbibigay ng armas sa mga volunteer.
“We understand the concern but we assure them that the President’s suggestion is to encourage volunteerism and definitely not vigilantism,” aniya.
“The proposal to arm them is purely for their own protection, to defend themselves and the PNP itself will not allow each and every one of them to engage in the actual fighting of criminal elements. The PNP also assures that only those who will qualify under the law may be permitted to own and possess firearms,” dagdag niya.