19% Pinoy lang ang nagsabing hindi sila mahirap–SWS

NASA 19 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang nagsabi na hindi sila mahirap habang 43 porsiyento ang naniniwala na sila ay dukha at 39 porsiyento ang nasa borderline ng pagiging mahirap, ayon sa Social Weather Stations (SWS).


Sa isinagawang survey ng SWS mula 12 hanggang 16, 2021, umaabot sa 10.7 milyong Pinoy ang nagsabi na sila ay mahirap noong Disyembre 2021 kumpara sa 11.4 milyon noong Setyembre ng kaparehong taon.

Bumaba naman ang nagsabi na sila ay hindi mahirap mula sa 21 porsiyento noong Setyembre.


Base sa survey noong Setyembre, 45 porsiyento ang nagsabi na sila ay mahirap at 31 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay nasa borderline na ng pagiging mahirap.


Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview at tinanong ang 1,440 indibidwal sa buong bansa.