MULING dumayo sa Cavite ang tambalang Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan Linggo, Labor Day. Ito ang kanilang ikatlong pagkakataon para ligawan ang mga Kabitenyo para sa darating na eleksyon.
Umabot sa 100,000 ang sinasabing dumalo sa pagtitipin sa Dasmarinas, Cavite, ayon sa pagtataya ng mga organizer ng rally.
Matatandaan na sa huling pagbisita ni Robredo sa lalawigan, sinabi ni Cavite Rep. Crispin Remulla (7th district) na nahaluan ng mga miyembro ng New People’s Army ang rally. Bukod pa rito, nabayaran pa diumano ang mga nagsidalo sa rally.
Sa katatapos na rally, inendorso ni Rep. Pidi Barzaga (4th district) ng National Unity Party, Dasmarinas Mayor Jenny Barzaga at Rep. AA Advincula (3rd district) ang kandidatura ni Robredo.