May 3 idineklarang holiday para sa Eid’l Fitr

IDINEKLARANG regular holiday bukas, Mayo 3, 2022, bilang selebrasyon sa pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.

Ito ang inanunsyo Linggo ng gabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Gayunman, magsisimula ang selebrasyon ng Muslim community ngayong Lunes, gaya na nang naunang pahayag ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul-Ifta.

Ito ay dahil nakita ng mga grupo na nakatalaga upang tingnan ang pagpapakita ng crescent moon nitong Linggo, na siyang sumisimbolo ng pagtatapos ng isang buwan ng Ramadan at pasimula ng Shawwal.

Ang selebrasyon ay magtatapos Martes ng gabi.