MARAMING mga vloggers na OFWs na nagsi-share ng kanilang mga karanasan habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ilan sa kanilang madalas na topic ay yung mga lugar o bansa kung saan sila naka-assign.
Sa katunayan, ang mundo ng social media ay punung-puno ng mga POV or “point of views” at totoo naman na it humanizes the whole experience.
Ngunit paano malalaman kung legitimate nga ang kanilang mga naisi-share? Kaya dapat ‘wag agad maniniwala at maging mapanuri always.
Narito ang ilang tips na makakadagdag sa iyong kaalaman on how to spot kung legit o fake ang kanilang sinasabi:
- If tungkol sa batas at karapatan sa isang lugar na ito, mas magandang i-verify ito gamit ang government website ng bansang pupuntahan o legitimate na immigration consultancy firms website. May mga information doon na maaring mag-explain sa iyo ng mga karapatan or batas na dapat malaman mo kung ikaw ay magtratrabaho sa kanilang bansa.
- Maging objective, alamin ang “pros and cons” ng mga bansang maaring pupuntahan. Maaaring ang
pwedeng magshare sa inyo ay ang mga legitimate mga social media accounts ng mga goverment-
funded accounts na tumutulong upang mapromote ang kanilang bansa. - I-check rin sa Department Of Migrant Workers (na dating POEA), kung ang bansang ito ay
tumatanggap or may job offer sa bansang gusto mong puntahan, at anong agency ang humahawak ng
mga ito. - Ngayong alam mo na rin ang posibleng agency ng bansang gusto mong puntahan at may trabaho
para sa iyo, mas maigi rin na puntahan o di kaya ay hanapin ang official social media pages ng mga
ito. Huwag matutukso sa mga “easy way” at “may exclusive or backer” arrangement, or worse yung
may agent na sisingil para sa isang “reservation fee”.
Nawa’y makatulong ito sa inyong paghahanap ng paraan para matupad ang inyong pangarap. Until
the next column.