5 aso nilason sa Cebu; pet owners humingi ng hustisya

KATARUNGAN ang sigaw ng isang pamilya mula Guadalupe, Cebu City makaraang lasunin umano ang lima nilang alagang aso kamakailan.

Sa Facebook post, sinabi ni Mellisa Yebes Go na natagpuan nila ang mga alagang sina Kobe, Batman, Bruce, Kikay, at Daya na may dugo ang bibig at wala nang buhay.

Nadiskubre malapit sa mga aso ang kanin na may kulay asul na “substance.”

Humingi na ng tulong sa otoridad ang pamilya para madakip ang salarin.

“They were pets, but in ways that their murderer/s could never understand, Kobe, Daya, Bruce, Batman, and Kikay were family. They had unique personalities and quirks — just like our human family members. They were part of what made our house a home,” paghihinagpis ni Go.

Humihingi rin siya ng tulong sa publiko para makamit ang hustisya sa kanilang mga alaga.

“If you know anyone who can help us give our dogs the justice they deserve, please pass this along to them or reach out to us. And if you have your own pups, please hug them tighter and show them a little more love today,” dagdag niya.