Villa ni Max Collins sa Boracay open na

TUMATANGGAP na ng booking ang aktres na si Max Collins para sa kanyang bagong-tayo na villa sa Boracay.

Bali-inspired at all-white ang interior at ang mga furniture ng vacation house na magkasama nilang itinayo ng kaibigang si Janina Manipol, ayon kay Max.

Kuwento ng aktres sa Instagram, nabuo ang plano nila ni Janina na magbukas ng vacation rental sa Boracay dahil sa kanilang pagbibiyahe abroad.

“It started with our love for the island life and travel. An idea that @janinamanipol and I toyed with over coffee in Los Angeles, mojitos in Bali, peking duck in Hong Kong and champagne in Bohol… an idea that turned into a dream and FINALLY, a reality,” aniya.

Dagdag ni Max, marami silang isinakripisyo ni Janina para maitayo ang villa kaya “[I] can’t wait for you to experience it for yourself.”

Shinare ng aktres na tumatanggap na sila ng booking para sa buwan ng Nobyembre at ngayon pa lang ay marami na ang interesado.