Tips para sa mga manggagawang mandirigma

MARAMI pa rin sa mga Pinoy na kahit anong trabaho na lang ang kukunin basta kumita lang.

Ngunit alam n’yo ba na walang skills na nadedevelop sa isang tao kung hindi siya nagtatagal sa kanyang trabaho?

Karamihan ng mga employer, lalo na kung abroad ang target mong employment, ay tinitingnan ito bilang batayan kung ang isang papalaring aplikante ay magtatagal sa isang trabaho. Kung kaya, heto ang usual tips na binibigay ko sa mga aplikante na nakakausap ko tuwing may mga naiinterview ako na ganito ang sitwasyon:

1. Kahit na maikli lang ang tagal ng trabaho, subukan mong mag-stick kahit sa isang job skill sa loob ng isa o dalawang taon.

Let’s say ang naging trabaho mo ay factory worker sa isang food manufacturing, at natapos na ang initial six months contract mo. Natural hahanap ka ng same industry kung saan pwede mong mai-aplay ang natutunan mong skill. Hindi simple ang trabaho ng isang factory worker, dahil ang kanilang endurance at physical stability and mental alertness sa mga process ay kailangan para sa mga trabahong ganito abroad.

2. Upgrade your skill after one year kung may opportunity

Kung merong alok na training ang company ninyo ay sumali ka. Hindi lang ito investment nila para maging best employee ka, ito rin ay magandang investment sa iyong growth.

3. Climb the ladder

Hindi porket graduate ka ng business management ay magiging manager ka agad. Hindi masamang magsimula sa ibaba. Dito nakikita mo ang magiging trabaho mo in case magiging supervisor ka, or best ay maging isang manager. Lahat naman ay nagsisimula sa mababang posisyon.

4. Long tenureship is the key

It is okay to stay in the same company for a year or two lalo na kung nakikita mo naman na may benefit ito sa iyo. At the same time, may mga learning curves na naa-address para sa iyo. Kung stable ka naman sa company na iyan, stay as long as you can lalo na kung nakikita mong asset ka sa kanila.

Para sa mga naghahanap ng bagong work, or di kaya ay nababagot na sa iyong work kahit na eight months ka pa lang sa inyong pinaglilingkuran, sana maging makabuluhan ang tip na ito para sa inyo. Hanggang sa susunod!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]