Cellphone, gadgets ibabawal sa classroom

ITINUTULAK ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang digital device habang may klase.

Sa kanyang panukala, na tatawagin na “No cellphone during classes Act sakaling maging batas, sinabi ni Salceda na sakop ng pagbabawal mula kindergarten hanggang college.

Ipinapasa naman sa mga paaralan ang pagpaparusa sa mga mag-aaral na lalabag.