Panalangin ngayong umaga

Magandang umaga, Lord. Salamat sa bagong lakas at buhay na kaloob Mo. Dalangin kong magamit ko ito nang naaayon sa Iyong kalooban. Pagpalain Mo ang araw na ito at ang bawat tao na aking makakasalamuha. Salamat muli sa biyaya Mong hindi nagmamaliw magpakailanman. Amen.