SINABI ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles na desisyon na ni Pangulong Duterte kung ive-veto ang panukalang batas kung saan maaari nang gumamit ng vape ang edad 18.
“Well, ayaw muna natin pangunahan ang magiging desisyon ng Pangulo lalo na hindi pa po nakakarating sa amin ang final version na ratipikado ng both House of Representatives at ng Senado because as we know it ay magba-bicameral conference committee pa po ang two houses of Congress,” sabi ni Nograles.
Nauna nang nagpahayag ng oposisyon ang Department Health (DoH) at Philippine College of Physician sa panukalang Vaporized Nicotine Products Regulation Act
kung saan maaari nang mag-vape ang edad na 18 mula sa kasalukuyang 21.
“We we will not speculate what the President will do unless we—and of course, until we see the final version from both houses of Congress na ratified na po ng Kongreso,” ayon pa kay Nograles.